Huwebes, Marso 16, 2017

Mga Sektor ng Ekonomiya: Paano Ito Mapapabuti at Mapapaunlad?

http://previews.123rf.com/images/studiom1/studiom11102/studiom1110200080/9033706-ECONOMY-Magnifying-glass-over-background-with-different-association-terms-Vector-illustration--Stock-Vector.jpg
Mga Sektor ng ating Ekonomiya:
     Mayroong tatlong pangunahing sektor ang ating ekonomiya, ang sektor ng Agrikultura, sektor ng Industriya at sektor ng Paglilingkod. Maraming kabutihan ang naidudulot ng mga ito sa ating ekonomiya gaya ng pag-unlad nito.

http://www.southeastradio.ie/wp-content/uploads/2016/12/economy.jpg
     Paano nga ba natin mas mapapabuti at mas mapapaunlad ang mga sektor ng ating ekonomiya?


http://www.dwiz882am.com/wp-content/uploads/2015/07/magsasaka.jpg
 Sektor ng Agrikultura:
     Ang Agrikultura ay ang paglilinang at pagpaparami ng mga hayop, mga halaman, at iba pa na nakakatulong sa pagsuporta at pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng bawat tao. Dito rin madalas kinukuha ang mga hilaw na materyales para sa industriya. Napapaloob dito ang apat na subsectors: ang Pagsasaka, Pangangahoy/Panggugubat, Pangingisda at Panghahayupan.


Mga Solusyon sa mga Suliranin ng Sektor ng Agrikultura:
http://3.bp.blogspot.com/_4kaJOirO5eU/TU-iL20WYDI/AAAAAAAADEI/aHTqWiX28kE/s1600/denuded.jpg
1. Pagkaubos ng Kagubatan - Maaari itong masolusyunan sa pamamagutan ng pagtatanim ng mga puno kapalit ng mga pinutol o puputulin. Ang mga kalbong kagubatan naman ay may pag-asa pa, gaya na lamang ng isang man-made forest sa Loboc, Bohol.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjj84HwV93xWFkS8_8JfeFlGioSohH0Xzdc0P8-6niFwQ5tUGd6N6itD2Y5T3hWzuMvagOUUVlhkX7De56VIDV29yNuZbbOuugXgraRdzm9phB0OIDARyZZ31J-VkiZghH-A4LfzpeiRJs/s1600/man_made_forest.jpg


http://www.ticotimes.net/wp-content/uploads/2015/06/150603Route27-1000x647.jpg
2. Erosyon ng Lupa - Ang pag guho o erosyon ng lupa ay maaaring maiwasan kung magkakaroon ng magandang halamang pantakip na nakakatulong sa pagkapit ng lupa. Ang pagtatanim ng puno ay isa rin sa maaaring solusyon sa ganitong problema.


https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjpF_A_EwPbYMt6bT9mxaaJgFhVqqDoHMuaKV-ff9fjOhyphenhyphenZ2nT2WPOdSaoUIjsvKOVByfsEF53Um77Rw2ick8TI-nTpgSmeZGOq2ttyuzos1_OvrN6La2p7QJeTRqRi9p9_zzTV17w2LKg/s1600/bm.jpg
3. Polusyon - Ang polusyon ay hindi maaalis sa ating mundo ngunit maaari itong mabawasan sa pamamagitan ng pagtitipid ng kuryente, pagrerecycle, pagkain ng mga organic na pagkain, at marami pang iba, dahil sa pamamagitan nito, mas nababawasan ang carbon emission na nakakasira ng ating kalikasan.


https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/a/a9/Department_of_Agrarian_Reform_(DAR).svg/1200px-Department_of_Agrarian_Reform_(DAR).svg.png
4. Kakulangan sa implementasyon ng mga programang pansakahan - Mareresolbahan ito sa pamamagitan ng pag-suporta sa mga programang pansakahan. Bigyan ito ng pansin sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo sa pagpapabuti ng mga programang pansakahan.



http://kingofwallpapers.com/industry/industry-004.jpg
Sektor ng Industriya:
     Sa larangan ng ekonomiya, ang iba't ibang uri ng pagmamanupaktura at mga serbisyo ay pinaghihiwala-hiwalay sa mga pangkat na tinatawag na mga industriyaAng industriya ay ang produksiyon ng isang kalakal na pangkabuhayan o paglilingkod na nasa loob ng isang ekonomiya. Mayroon itong mga subsectors gaya ng: Pagmimina, Konstruksyon, Elektrisidad at Gas, at Pagmamanupaktura.


Mga Solusyon sa mga Suliranin ng Sektor ng Industriya:
http://assets.rappler.com/612F469A6EA84F6BAE882D2B94A4B421/img/B8A9EDF5321E4FA1917E10DD2D0B216F/pesosshutterstock.jpg
  1. Kawalan ng sapat na puhunan - Ito ay nasosolusyunan sa pamamagitan ng pagpapautang ng mga bangko sa mga kumpanya. Mayroon ding mga subsidy ang mga maliliit na negosyo mula sa Gobyerno.
  2. Kakulangan ng suporta at proteksyon ng pamahalaan - Sa ganitong sitwasyon, kailangang ipatupad ng pamahalaan ang protectionism sa mga industriya sa pamamagitan ng pagtatakda ng taripa at kota sa mga dayuhang produkto upang umunlad ang lokal ng industriya.
  3. Hindi angkop ang proyekto ng pamahalaan - Maiiwasan ito kung masusing pag-aaralan ang bawat hakbang na gagawin para sa pagbuo ng isang proyekto ng pamahalaan upang hindi masayang ang pondo sa pagpapatupad nito.
  4. Pagiging import dependent ng mga Industriya - Ito ay maiiwasan kung mas tatangkilikin ang mga lokal na produkto ng ating bansa kaysa sa mga dayuhang produkto.
  5. Pagpasok ng mga dayuhang kompanya - Mayroon itong magandang naidudulot sa bansa ngunit nagiging kakumpitensya ng mga negosyanteng Pilipino ang mga dayunhang ito. Ito ay maiiwasan kung tatangkilikin natin ang mga produkto ng mga lokal nating mga kompanya kaysa sa mga dayuhang kompanya.


https://userscontent2.emaze.com/images/59d4b895-db71-4cff-96c7-419bb596d94e/1a8c9ab7-7479-4c0a-a3a1-36327347084d.jpg
Sektor ng Paglilingkod:
      Ito ay ang sektor na gumagabay sa buong yugto ng produksyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng produkto sa loob o labas ng bansa. Ito rin ay nagkakaloob ng serbisyong pampamayanan, panlipunan o personal. Ang Pananalapi, Insurance, Komersyo, Real State, Kalakalang Pakyawan, Kalakalang Patingi-tingi, Transportasyon, Pag-iimbak, at Komunikasyon ay ang mga bumubuo sa sektor ng Paglilingkod.



Solusyon sa mga Suliranin ng Sektor ng Paglilingkod:
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcT7hFgQQinppS8F28zU3LhvXIN2K4dZRbDjaAnBEGklVYwf4is3wQ
      Sa lahat ng problema o suliranin sa sektor ng paglilingkod, iisa lang ang kabuoang solusyon para rito: Alamin ang iyong mga karapatan bilang isang manggagawa. Kung alam mo ang iyong mga karapatan bilang isang manggagawa, maiiwasan mo ang mga mapang-abusong employers. Maaari ring humingi ng tulong mula sa mga ahensya ng Gobyerno gaya ng DOLE, OWWA at POEA


Sanggunian:
  • https://tl.wikipedia.org/wiki/Agrikultura
  • https://tl.wikipedia.org/wiki/Industriya
  • https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/k12-aralin-23-sektor-ng-paglilingkod
  • Makisig Economics 9 Book