|
http://previews.123rf.com/images/studiom1/studiom11102/studiom1110200080/9033706-ECONOMY-Magnifying-glass-over-background-with-different-association-terms-Vector-illustration--Stock-Vector.jpg |
Mga Sektor ng ating Ekonomiya:
Mayroong tatlong pangunahing sektor ang ating ekonomiya, ang sektor ng Agrikultura, sektor ng Industriya at sektor ng Paglilingkod. Maraming kabutihan ang naidudulot ng mga ito sa ating ekonomiya gaya ng pag-unlad nito.
|
http://www.southeastradio.ie/wp-content/uploads/2016/12/economy.jpg |
Paano nga ba natin mas mapapabuti at mas mapapaunlad ang mga sektor ng ating ekonomiya?
|
http://www.dwiz882am.com/wp-content/uploads/2015/07/magsasaka.jpg |
Sektor ng Agrikultura:
Ang Agrikultura ay ang paglilinang at pagpaparami ng mga hayop, mga halaman, at iba pa na nakakatulong sa pagsuporta at pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng bawat tao. Dito rin madalas kinukuha ang mga hilaw na materyales para sa industriya. Napapaloob dito ang apat na subsectors: ang Pagsasaka, Pangangahoy/Panggugubat, Pangingisda at Panghahayupan.
Mga Solusyon sa mga Suliranin ng Sektor ng Agrikultura:
|
http://3.bp.blogspot.com/_4kaJOirO5eU/TU-iL20WYDI/AAAAAAAADEI/aHTqWiX28kE/s1600/denuded.jpg |
1.
Pagkaubos ng Kagubatan - Maaari itong masolusyunan sa pamamagutan ng
pagtatanim ng mga puno kapalit ng mga pinutol o puputulin. Ang mga
kalbong kagubatan naman ay may pag-asa pa, gaya na lamang ng isang
man-made forest sa Loboc, Bohol.
|
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjj84HwV93xWFkS8_8JfeFlGioSohH0Xzdc0P8-6niFwQ5tUGd6N6itD2Y5T3hWzuMvagOUUVlhkX7De56VIDV29yNuZbbOuugXgraRdzm9phB0OIDARyZZ31J-VkiZghH-A4LfzpeiRJs/s1600/man_made_forest.jpg |
|
http://www.ticotimes.net/wp-content/uploads/2015/06/150603Route27-1000x647.jpg
|
2.
Erosyon ng Lupa - Ang pag guho o erosyon ng lupa ay maaaring maiwasan
kung magkakaroon ng magandang halamang pantakip na nakakatulong sa
pagkapit ng lupa. Ang pagtatanim ng puno ay isa rin sa maaaring solusyon
sa ganitong problema.
|
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjpF_A_EwPbYMt6bT9mxaaJgFhVqqDoHMuaKV-ff9fjOhyphenhyphenZ2nT2WPOdSaoUIjsvKOVByfsEF53Um77Rw2ick8TI-nTpgSmeZGOq2ttyuzos1_OvrN6La2p7QJeTRqRi9p9_zzTV17w2LKg/s1600/bm.jpg |
3.
Polusyon - Ang polusyon ay hindi maaalis sa ating mundo ngunit maaari
itong mabawasan sa pamamagitan ng pagtitipid ng kuryente, pagrerecycle,
pagkain ng mga organic na pagkain, at marami pang iba, dahil sa
pamamagitan nito, mas nababawasan ang carbon emission na nakakasira ng
ating kalikasan.
|
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/a/a9/Department_of_Agrarian_Reform_(DAR).svg/1200px-Department_of_Agrarian_Reform_(DAR).svg.png |
4.
Kakulangan sa implementasyon ng mga programang pansakahan -
Mareresolbahan ito sa pamamagitan ng pag-suporta sa mga programang
pansakahan. Bigyan ito ng pansin sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo sa
pagpapabuti ng mga programang pansakahan.
|
http://kingofwallpapers.com/industry/industry-004.jpg |
Sektor ng Industriya:
Sa larangan ng ekonomiya, ang iba't ibang uri ng pagmamanupaktura at mga serbisyo ay pinaghihiwala-hiwalay sa mga pangkat na tinatawag na mga industriya. Ang industriya ay ang produksiyon ng isang kalakal na pangkabuhayan o paglilingkod na nasa loob ng isang ekonomiya. Mayroon itong mga subsectors gaya ng: Pagmimina, Konstruksyon, Elektrisidad at Gas, at Pagmamanupaktura.
Mga Solusyon sa mga Suliranin ng Sektor ng Industriya:
|
http://assets.rappler.com/612F469A6EA84F6BAE882D2B94A4B421/img/B8A9EDF5321E4FA1917E10DD2D0B216F/pesosshutterstock.jpg |
- Kawalan ng sapat na puhunan - Ito ay nasosolusyunan sa pamamagitan ng
pagpapautang ng mga bangko sa mga kumpanya. Mayroon ding mga subsidy ang
mga maliliit na negosyo mula sa Gobyerno.
- Kakulangan ng suporta at proteksyon ng pamahalaan - Sa ganitong
sitwasyon, kailangang ipatupad ng pamahalaan ang protectionism sa mga
industriya sa pamamagitan ng pagtatakda ng taripa at kota sa mga
dayuhang produkto upang umunlad ang lokal ng industriya.
- Hindi angkop ang proyekto ng pamahalaan - Maiiwasan ito kung masusing
pag-aaralan ang bawat hakbang na gagawin para sa pagbuo ng isang
proyekto ng pamahalaan upang hindi masayang ang pondo sa pagpapatupad
nito.
- Pagiging import dependent ng mga Industriya -
Ito ay maiiwasan kung mas tatangkilikin ang mga lokal na produkto ng
ating bansa kaysa sa mga dayuhang produkto.
- Pagpasok
ng mga dayuhang kompanya - Mayroon itong magandang naidudulot sa bansa
ngunit nagiging kakumpitensya ng mga negosyanteng Pilipino ang mga
dayunhang ito. Ito ay maiiwasan kung tatangkilikin natin ang mga
produkto ng mga lokal nating mga kompanya kaysa sa mga dayuhang
kompanya.
|
https://userscontent2.emaze.com/images/59d4b895-db71-4cff-96c7-419bb596d94e/1a8c9ab7-7479-4c0a-a3a1-36327347084d.jpg |
Sektor ng Paglilingkod:
Ito ay ang sektor na gumagabay sa buong yugto ng produksyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng produkto sa loob o labas ng bansa. Ito rin ay nagkakaloob ng serbisyong pampamayanan, panlipunan o personal. Ang Pananalapi, Insurance, Komersyo, Real State, Kalakalang Pakyawan, Kalakalang Patingi-tingi, Transportasyon, Pag-iimbak, at Komunikasyon ay ang mga bumubuo sa sektor ng Paglilingkod.
Solusyon sa mga Suliranin ng Sektor ng Paglilingkod:
|
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcT7hFgQQinppS8F28zU3LhvXIN2K4dZRbDjaAnBEGklVYwf4is3wQ |
Sa lahat ng problema o suliranin sa sektor ng paglilingkod, iisa lang ang kabuoang solusyon para rito: Alamin ang iyong mga karapatan bilang isang manggagawa. Kung alam mo ang iyong mga karapatan bilang isang manggagawa, maiiwasan mo ang mga mapang-abusong employers. Maaari ring humingi ng tulong mula sa mga ahensya ng Gobyerno gaya ng DOLE, OWWA at POEA.
Sanggunian:
- https://tl.wikipedia.org/wiki/Agrikultura
- https://tl.wikipedia.org/wiki/Industriya
- https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/k12-aralin-23-sektor-ng-paglilingkod
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento